The Last Meal

[Before I continue, I really hope my little sister doesn’t get to read this. Hahaha. Lalo na recently ko lang sya pinayagan na buksan yung blog ko.]

Anthony Bourdain was once asked where he wanted to take his last ever meal. If I remember correctly, he mentioned that he wanted to eat at a sushi bar in Tokyo.

These past few days, I’ve been thinking about the day that I would finally cease to exist (no worries, hindi ako suicidal at the moment). And isa sa pinakatumatak sa isip ko e kung ano ang gusto kong huling kainin sa mga huling sandali ng buhay ko.

Hindi naman ako mapili sa pagkain. Seefood diet e. I see food, I eat. Ilang beses din ako nagka-diarrhea dahil sa kakakain nung mga streetfood sa Liwasang Bonifacio. Ganun talaga e, masarap. Laging may tinge ng buwis-buhay moment ang bawat foodtrip.

Pero mabalik tayo sa topic. Ano ba ang gusto kong final meal dito sa mundo? Nakakatawa pero Jollispaghetti na may kasamang 1-piece chicken lang sa akin. At bago mo ako akusahan na binayaran ng Jollibee, makinig ka muna kasi.

Maraming memories para sakin ang dala ng Jollispaghetti. Andyan yung birthday ko na ako lang ang nag-celebrate, meron din yung lasa nya syempre. Pero ang pinakatumatak sa isip ko e sa jollispaghetti kami naging close ng little sister ko.

Hindi ko talaga siya kapatid sa dugo. Magka-opisina kami sa Makati kaya kami naging magkakilala. Bago lang siya sa opisina kaya medyo nangangapa pa sa mga proseso. Takot ako lumapit sa kanya nun kasi may aura siyang queen bee. Kaso, napansin ko na walang tumutulong sa kanya kaya kinapalan ko na rin yung mukha ko. Hindi pa nga friendly yung tone ko sa kanya nun e. Isang araw, naisipan ko syang biruin na may bayad yung tulong ko. Isang Jollispaghetti. Natawa sya kasi mahilig din pala sya dun. Naging close kami sa isa’t-isa hanggang sa tuluyan ko na syang inampon sa buhay ko.

Ngayon, sa tuwing kakain ako ng Jollispaghetti, hindi lang yung nakasanayang lasa ang naalala ko. Naalala ko lahat ng kasamang mga masasayang alaala. Kaya gusto ko sa huling sandali ng buhay ko, makakain ako ng Jollispaghetti. Sa huling sandali ng buhay ko, makikita man akong may bahid ng spaghetti sauce sa labi, bakas naman sa mukha ang saya.

 

 
PS. Oy little sister. Kung sakaling maligaw ka dito, may utang ka pang Jollispaghetti. Hahahaha.

10 Comments (+add yours?)

  1. punjetry
    Sep 06, 2016 @ 12:57:25

    Hahaha natawa ako pero ang cute!

    Reply

  2. aysabaw
    Sep 12, 2016 @ 16:39:47

    di ko alam kung matatawa ako o maiiyal hahaha…balita dude? tagal mong nawala….

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: