Dear First Love

Dear first love,

Ahahahahaha. Ooppsss. Sorry. Hindi ko sinasadyang tumawa na lang bigla. Pero hindi ba nakakatawa naman talaga na biglang may kakausap sayo bigla tapos first love ka daw nya? Hahahaha. O game. Balik sa normalidad.

Siguro hindi mo na ako natatandaan. Gets ko naman kung bakit. 11 years old palang ako nung huli tayong nagkita. Ampayat ko pa nun. Ikaw naman sobrang nene mo pa.

Nasa bundok tayo noon. Sa Daraitan. Summer activity para sa mga anak ng empleyado ng PLDT. Hindi ko aakalain na doon kita makikilala. Malamang ganun ka din.

Naging magkasama tayo sa grupo noon. Tapos may kasama pa tayong tatlong mas bata pa sa atin. Hindi ko alam kung bakit pero nagustuhan na kita noon. Simple, tahimik, at palaging nakangiti. Sinong baliw naman ang hindi matutuwa sa ganoon diba? Nagkwentuhan tayo ng buong gabi at magkasamang natulog sa tent. Nung pagkaumaga, gumising ako sa iyong mga ngiti.

Kaso, hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. Dumating ang oras na kailangan na maghiwalay. At dahil hindi pa uso ang text at social media noon, tuluyan kang naglaho.

Inaamin ko. Hindi ko na naaalala ang itsura mo noon. Kahit anong pilit ko. Pero, kailanma’y hindi maglalaho ang alaala mo na naiwan sa isip ko.

Naiisip ko minsan, “paano kaya kung may facebook noon?” O kaya, “paano kaya kung magkita ulit kami?” Kaya lang imposible na yun. Malamang may sarili ka ng buhay ngayon. Siguro ay napapalibutan ka na ng sarili mong mga supling, ng sariling pamilya.

Samantalang ako, naiwan na nakakulong sa alaala ng kahapong lumipas. Oo, may sariling buhay din, ngunit sa tuwing malalim ang gabi, sa tuwing tahimik ang lahat, muling nagbabalik ang isipan sa bundok ng Daraitan.

*kay Martha

30 Comments (+add yours?)

  1. aysabaw
    Mar 11, 2015 @ 12:48:50

    yay! Ayun naman pala talaga! First Love never dies….napakaraming what ifs ano? Pero siguro ito rin ang beauty ng panahon natin, panahon na wala pang facebook, Isipin mo kung may facebook na noon, wala kang ganitong alaalang ginugunita sa iyong pag-iisa sa kalaliman ng gabi🙂

    Reply

  2. CaraPerez
    Mar 11, 2015 @ 14:04:29

    Bakit nag-lalaro sa isip ko ang kantang larawang-kupas nung binabasa ko to?

    Reply

  3. promking
    Sep 21, 2015 @ 21:55:11

    napadpad lang ako dito.

    wag mo na siya hanapin, para hindi na matabunan ng masamang kwento ang magandang alaala.

    apri!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: