Anong Gusto Mong Simulan?

Bago ako mag-umpisang tumalak ulit dito, nais ko ulit pasalamatan ang mga patuloy na dumadaan at nag-fofollow sa blog ko (mga lima sila). Sana po hindi kayo napadpad sa site na ito dahil lamang nagkamali ka ng pindot. Haha. Magsisipag na ako magsulat pag nahabol ko na yung latest koreanovela na pinapanood ko. Hahaha.

So ayun. Ilang oras na lang at tatakbo na ako sa Affinitea Run pero bigla naman aakong sinipag na magsulat ngayon. Nakita ko kasi yung advertisement sa TV ng Nescafe. Matagal na siguro to, pero dahil hindi na ako nakakanood ng local channels (kasalanan ng pagiging night shift) e wala akong malay dito.

Disclaimer: Hindi po nila ako empleyado. Hindi din ako umiinom ng kape. Hahaha.

Medyo sapul sakin to kasi marami akong gustong umpisahan. Sa sobrang dami, hindi ko alam ang uunahin ko. Ang ending, wala akong natatapos. Weighing in priorities has never been my thing. Ako kasi yung tipong “go as the wind blows”. Kung anong gusto kong gawin at the moment, gagawin ko.

Kaya siguro maigi na rin na ilista ko kung ano ba yung mga gusto ko talaga gawin. Yung alam kong matatapos ko at realistic. Yung tipong hindi ako tatamarin pag ginawa ko na yun. Tapos may sense of achievement sa dulo. Sarap. Tulad nung umakyat ako ng Mt. Pulag, nakalista lang dati sa papel pero nagawa ko.

Hindi mahaba ang ginawa kong listahan. Baka nga kalahating taon palang e matapos ko na ito. Pero keri lang. Para masabi ko naman sa sarili ko na hindi ako ningas-kugon. Narito ang listahan ko:
1. Mag-aral ng korean. Korean talaga. As in specific. Unang una e para di na ako aasa sa subtitles pag nanonood na ako. Pangalawa, para pag gumala na ako sa Korea e hindi ako magmumukhang aanga-anga. Pangatlo, hindi ko pangarap na manatili sa call center ng habambuhay kaya nais ko na magturo ng English sa ibang bansa.
2. Akyatin ulit ang Mt. Pulag. Love is sweeter the second time around. Hahaha. Greatest frustration ko na siguro na hindi ako nakaakyat sa main summit at sa minor summit lang ako napadpad. Kaya naman sana this time magawa ko na.
3. Matuto mag piano. Marunong naman ako. Pero basic lang. Tapos dagdagan pa na medyo kinakalawang na dahil walang ensayo. Nakakatugtog lang ako pag may presentation sa christmas party. Ok sana kung matututo na talaga ako ng advanced level (dagdag pogi points).
4. Maumpisahan na ang astrophotography hobby. Sa lahat ng gusto ko umpisahan this year, ito ang pinakamahirap gawin. Mahirap kasi maghanap ng mabibilhan ng astronomical telescope sa Pilipinas. Sobrang mahal pa. Konting tipid at iwas sa luho. Hay. Hahaha.

Pwede na siguro yung apat muna no? Hahaha. More than one is many ika nga. At least alam ko na achievable lahat yan. And gusto ko naman talaga gawin yan kaya hindi ako tatamarin.

Ikaw? Anong gusto mong simulan?

Syangaps, sa mga pupunta sa KPOP Convention 6 sa SMX, kitakits! Hahaha. Sistar FTW!

3 Comments (+add yours?)

  1. Bebekoh
    Dec 15, 2014 @ 15:29:10

    i wanna start… guitar lessons, travel more, my own business, etc. etc. etc…🙂

    Reply

  2. CaraPerez
    Mar 09, 2015 @ 15:46:23

    Reblogged this on caraperez and commented:
    Uyyy! New blog idea! Pahiram ng inspirasyin mo.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: