…and when October goes

My last post contained a bucket list of museums to visit for October. Kaso nakalimutan ko i-take in account na tamad pala ako. Hahaha.

So ayun nga. Sa dinami-rami ng nilista ko, 2 museums lang ang napuntahan ko. National Art Gallery & Museum of the Filipino People. Not bad kung titignan mo yung katamaran ko. Hahaha. Well, mahaba pa naman ang taon para maglakwatsa. Haha.

image

Figure 1. Ifugao House

So this one is an Ifugao house. Sabi sa research ko, this one is the Bale type of Ifugao house. Naks, nagresearch ako. Hahaha. Round of applause namern. Slightly elevated ang Ifugao house para walang dagang makapasok na maaaring makapanira sa bahay. Pero bullshit ko lang yung last sentence. Hay. Ang perfect ko talagang tour guide.

image

Figure 2. Biology students! Alam na this!

Kung Bio major ka e malamang kilala mo yan. Saksakin kita pag hindi. Caroli Linnaei. Alias Carolus Linnaeus. Alias Carl von Linne. Siya lang naman ang dahilan kung bakit may naitatanong sila Tiyang Amy at Kuya Dick sa Pera o Bayong dati. Si Carl von Linne, o tawagin nating si Mang Carl, kasi ang may pakana ng scientific names. Si Mang Carl lang naman ang nag standardize ng pagpapangalan sa mga living things. Mahirap nga naman kung pinaguusapan nyo yung garapata ng alaga mong aso kung German kausap mo db?

image

Figure 3. Bangang Manunggul

Ito. Mayaman ka pag alam mo ito. Ito ang bangang manunggul. Makikita ito sa likod ng isanlibong piso. Pero di ko alam kung andoon pa din sya ngayon. Medyo urban poor ako ngayon e. Ang bangang manunggul ay isang burial jar. Natagpuan ito sa Tabon Cave sa Palawan. Cool no?

image

Figure 4. Mga Kanyon at Lantaka

Sorry basura pagkaka collage ko. Hahaha. Aayusin ko mamaya. Pag di na ako tinatamad. Obviously, ito ang pinakamadaming display sa Museum of the Filipino People. Di ko alam kung bakit. Mayroon itong iba’t ibang laki. Yung iba nga e mas malaki pa yung cellphone ko. Size reflects the purpose pagdating sa mga kanyon at lantaka. Mas malaki, mas pang depensa. Ang mga maliliit naman ay pang signal.

image

Figure 5. Baybayin

Alam mo ba na ang sinaunang paraan ng pagsusulat ng Pilipinas ay tinatawag na Baybayin? Boom panes. Mali daw ang alibata. Ang nakakapagtaka lang e bakit hindi pa rin natin itinatama ang ating mga libro? Paano malalaman ang tama kung hindi alam ng karamihan?

image

Figure 6. Si Lapu-Lapu

Hindi talaga kasama si Lapu-Lapu sa displays. Naisipan ko lang sya kunan ng larawan mula sa 3rd floor. E kasi hindi ba kasama naman talaga sya dapat sa display? Marami tayong monumento ni Rizal (na hindi naman legit na pambansang bayani sabi ng NHCP) pero iilan lang ang bantayog ni Lapu-Lapu. Hindi naman halatang pro-Boni ako diba? Hahahaha.

image

Figure 7. Spolarium

Ito ang highlight ng museum trip ko. Ang Spolarium. Kung hindi dahil dito e sa Mind Museum dapat ako nagpunta. Hindi ako yung nakatayo sa gilid ha. Hahaha. Kuha ito sa National Art Gallery. Overwhelming ang tumayo sa harap nito. Sabi nga ni utol nung sya naman ang nag-museum trip e naluha sya. Hahaha.

So ayun. Hahaha. Konti lang yung pictures kasi ayoko mawalan ng oras sa pagtingin ng kung anik-anik. Sana bago matapos yung taon e matapos ko yung bucket list ko. Hahaha.

Subukan nyo rin bumisita sa Museum of the Filipino People at sa National Art Gallery. Malapit lang ito sa Manila City Hall. Libre pag October kaya sinamantala ko na. Sayang nga kasi nakalimutan kong libre din pala sa Planetarium. Hay.

Tip para sa gusto mag museum hopping:
1. Mag research. Alamin ang visiting hours at kung may bayad.
2. Museum of the Filipino People – National Art Gallery – Planetarium – Fort Santiago – Museo Pambata. In any order. Walking distance lang sila kaya maganda na yan umpisahan mo.
3. Mag enjoy. Syempre. No need to explain.
4. Libre sa MFP, NAG at Planetarium pag October. Take advantage. Kahit araw-arawin mo pa.

Salamat sa K-POP playlist ko sa pagbibigay sakin ng sipag para tapusin to. Lalo na kay IU, Lee Seunggi at sa Davichi. Pati pala SNSD. Salamat din sa computer sa office sa libreng research. At sa boss ko na hindi ako sinita kahit non-work related tong ginagawa ko. Hahaha.

2 Comments (+add yours?)

  1. paperwired
    Nov 06, 2014 @ 06:49:30

    Ano po ang masasabi niyo sa ispolarium? Bakit po sa palagay niyo ay naiyak si utol noong makiya niya ito.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: