Dear Beks – Goodbye Beks

Dear beks,

Antagal na pala nating hindi nagkikita ano? Sabi natin nung college e walang kalimutan. Pero tignan mo, isang taon ka na palang pumanaw e wala man lang akong kamalay-malay. Sorry. Marami sana akong gustong ikwento sa iyo, mga bagay na dapat ipagpasalamat. Pero katulad ng dati, lagi na lang akong huli. Di bale. Kahit dito na lang sa mumunting space e kakausapin pa rin kita.

Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa iyo. Bakit? Ganito kasi yun. Bago ako pumasok ng college, takot ako sa bakla. Hindi mo naman ako masisisi. Lumaki kasi ako sa isang katolikong paaralan na nagturo sa akin na ang gender ay either lalaki or babae lang. Hindi pwedeng lalaki at babae. Sinamahan pa ng mga hindi magagandang kwento tungkol sa mga bakla e ayun. In short, may phobia ako sa bakla.

Dumating yung time na iniwasan ko ang mga pagkakataon na may makilalang bakla. Nung nawala yung barbero ko, never ako pumasok sa parlor malapit sa amin kahit mas mura doon. Pero lahat ng yun nagiba pagpasok ko ng room natin nung college. Naaalala ko pa iyon. Naiiyak ako kasi late ako. Tanginang malay ko ba kasing nasa kabilang lupalop ng university ang HRD building. Sitting pretty na ako nung may narinig akong kakaibang ingay. Ikaw lang pala. Nakikipag kwentuhan sa mga kaklase natin. Nung napagtanto ko na bakla ka e nagitla ang puso ko. Pinagpawisan ng malamig. Gusto ko na tumakas at tumakbo papalayo.

Alangan na gawin ko yun diba? Edi parang tanga lang. Nanatili ako sa upuan. Nagmasid. Nagbilang ng segundo. At ng masigurado ko na magiging ayos lang ang lahat ay huminga ng maluwag. Sa maniwala ka man o sa hindi, yun ang first time encounter ko sa bakla. Nakakatawa kung iisipin pero napaka jerk ko pala nun. Iwas pa rin ako sa iyo nun. Di ko kasi alam paano mag-approach sa iyo. Thankfully, ikaw ang unang lumapit sa akin. At naging isang tapat na kaibigan. Mula noon, nawala ang takot ko sa mga bakla. Namulat ako na tao lang din naman sila na humihingi ng respeto sa kapwa. Dahil sa iyo yun beks. Salamat.

Hanggang ngayon, bothered pa rin ako na wala man lang kaming malay na isang taon ka ng wala. Kamusta ka kaya nung mga huli mong sandali? Sana hindi ka nahirapan. Sana nasamahan ka namin. Sana nadalaw ka man lang namin. Sana nabigyan man lang ako ng pagkakataon na magpasalamat sa iyo ng personal. Wag ka magalala. Pwede mo naman ako dalawin e. Pero please sa panaginip lang. Alam mo naman na matatakutin ako masyado e. Kwentuhan mo ko tulad ng dati. I-reserve mo ng pwesto ang barkada dyan sa langit ha. Hanggang sa muli nating pagkikita beks.

Salamat beks.

*Para kay Marvin Dacallos, guro, lider at tunay na kaibigan.

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: