Buwan ng Mga Guro

image

Happy National Teachers' Month! (Photo grabbed from Facebook)

Actually, hindi ko alam na meron na palang teachers’ month. Day oo alam ko meron pero month e di ko knowings na meron. Ayos din na may teachers’ month. At least e isang buwan na sila mabibigyan ng parangal imbes na isang araw lang.

Anong epekto nito sa akin? Wala. Hindi ko kasi tinapos yung course ko na education e. Dalawang subject na lang e kinatamaran pa. Hahahaha. Pero nakapagturo naman ako nung OJT. Biology. Sa Las Piñas National High School. Isang quarter din naman ako nagturo. Hahaha. Naaalala pa naman ako ng mga studyante ko. At naaalala ko din naman sila. Balik sa topic. So ayun, since hindi naman ako lisensyadong guro e walang epekto sakin ito. Pero sa mga guro na patuloy na nagbibigay ng lakas sa nagaalab na sulo ng karunungan (naks), e malaking bagay ang buwan na ito.

image

OJT days

Hindi biro ang maging guro. Sa dalawang buwan ko ng pagtuturo sa 4 na section (almost 40 students each), naramdaman ko na napakahirap pala. Partida yung ibang guro e mas marami pang estudyante kesa sakin at pang isang taon yun. Hindi ko na iisa-isahin kung bakit mahirap. Trust me. Mahirap. Pero sobrang rewarding. Lalo na pag nagpapasalamat sila na hindi ko sila binagsak kahit na halos sunduin ko sila sa taguan nila (clue: cutting classes). Minsan nakasama ko pa yung isang section na maglaro ng DOTA (infernes, may ibubuga pa ako). Hahaha.

Ang pinaka memorable na nangyari nung nagtuturo ako e pumasok ako sa school ng may bagyo. Kasalanan yun ng mga kasama ko e. Di sinabi sakin na wala na palang pasok nun. E ang talino ko rin. Hindi ko din naman tinignan sa TV (wala pang app nun yung DOST) kung suspended na yung pasok. Ayun. Ang ending e wala pinauwi din ako. Tapos nakasalubong ko yung iba kong students. Instant DOTA sessions. Hahaha. Nakauwi pa naman ako ng buhay.

In short, katulad ng lahat ng relationship sa mundo, parehong masarap at masalimuot ang pagtuturo. Dito, mas kelangan ng dedication kesa know how sa mga teaching techniques. Yung galing sa pagtuturo e natututunan yan pero ang dedication ay innate. Hay. Kung natapos ko lang ang pag-aaral ko. Hahahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: