BFF mo mukha mo

Bago ako magumpisang tumalak dito. Wait. SHEEEEET! Ayan. Nailabas ko na. Hahaha. Sa wakas, nagkaroon ulit ako ng time para makapagsulat tungkol sa mga kalokohan ko. Grabe. Kala ko nga hindi na gumagana itong account na ito e. Salamat pala sa dadalawang taong nagbubukas parin ng blog ko. Di ko sila kilala (pramis hindi ako yun) pero nakikita ko sa stats ng blog na ito na araw-araw e may nagbubukas ng blog ko.

So ayun. Back to business. Kahit kailan ay hindi ako naniwala sa BFF system. So siguro safe na rin aminin na never akong nagkaroon ng isang bestfriend. Nagsimula pa ito noong bata pa ako. Tandang-tanda ko pa. 5 pesos palang ang pamasahe nun sa jeep. Hahaha. Tinanong ako nun ng kaklase ko kung sino ang bestfriend ko. Syempre sabi ko wala. Sabay explain ng mathematical complications (oo, mahilig pa ako dati sa math) ng pagkakaroon ng bestfriend. Pero dahil malamang ay hindi nya ako naintindihan, kinausap na lang nya ang katabi nya at nakipagkwentuhan tungkol sa bagong episode ng Mighty Morphing Power Rangers. Shet.

Hindi ko naman din kasalanan kung bakit hindi ako nagka-bestfriend dati. Suki kasi kami ng lipatbahay gang. Kaya naman nung napirmi na kami sa Cavite e masyado na malaki ang naging time skip para ma-experience yung mga ganung bagay. Dagdag pa dito ay ang laking aircon style na pagpapalaki sakin. Bawal kasi ako lumabas ng bahay namin. Isipin mo. Ako. 4 years old. Bawal lumagpas ang anino ko sa gate. Yung ibang bata e amoy araw na sa pakikipaghabulan tapos ako presko pa at amoy Johnson’s baby powder. Nauubos ang oras ko nun sa pagbabasa at sa kakapanood ng Disney movies. Hay.

Ngayong malaki na ako, hindi na rin ako nagtangka pa na magkaroon ng bestfriend. Praning e. Pakiramdam ko ang pagkakaroon ng bff e tulad ng pagaalaga ng isang time bomb. Hahaha. Sa dami ng alam kong kwento ng pagtataksil e “thanks but no thanks” na lang. Ngayon, ang salitang bestfriend ay pangungutya na lang. Tipong “uy! Nagtext yung bestfriend mo ah” kahit hindi naman talaga sila bff at sinusumpa nya ang taong yun.

Aaminin ko. Minsan naiisip ko na sana may bestfriend ako. Minsan lang naman. For experience sake. Tapos naiisip ko din na wag na lang. Dahil mahirap mag-alaga ng time bomb. Hahaha. Shet. Shet naman talaga.

8 Comments (+add yours?)

  1. Bebekoh
    Jul 29, 2014 @ 20:14:30

    at least marami kang kaibigan, wala man yung sinasabing bff. 🙂

    Btw, welcome back…😛

    Reply

    • kheycee
      Jul 29, 2014 @ 21:12:13

      Nyehehehehe. Tomo. More friends=more fun.

      Sana tuloy-tuloy na itong pagmamasipag ko sa pagsusulat. Cross fingers, cross legs, cross eyes, cross dress, lahat na ng pwedeng i-cross.

      Reply

  2. Anonymous
    Jul 30, 2014 @ 16:18:56

    Ang hard pero nakaka-relate ako. Isa ako sa mga nagkaroon ng bestfriend pero nauwi rin sa wala.

    Reply

    • kheycee
      Jul 30, 2014 @ 16:21:34

      Salamat sa pagdalaw Mr./Ms. Anonymous. E wala ganun talaga. Baka katulad ng true love e andyan lang din ang true bestfriend pakalat-kalat. Hahahaha.

      Reply

  3. bagotilyo
    Jul 31, 2014 @ 21:32:24

    ako maraming good friends , better friends , pati best friends. wahhaha

    Reply

  4. cheesecake
    Aug 04, 2014 @ 17:32:40

    Nagugutom ako. Gusto ko ng BFF bundles. Hahaha.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: