Daily Log Day 2: Dear Kheycee’s Quirky World

Wazzup homeboy? Chos. So meron tayong special request na matagal ko ng dinedma. Haha. Sorry naman. Pero heto na gagawin ko na sya kaya sana wag magtampo yung humingi sakin nito. Oo nga pala. Walang sisihan. Ikaw humingi nito e.

January 2014

Dear Kheycee,

Bakla ka ba? Bakit kheycee nickname mo? Pero ang tawag sa iyo dito sa office e Kevin. Hahaha. Anyways, itago nyo na lang po ako sa pangalang Janet Manalese. Promise po hindi yan ang tunay kong pangalan. Dumulog po ako sa inyo para sa aking munting kahilingan. Wag ka magalala. Hindi po ako nag-sosolicite. Gusto ko lang po sana kayong sumulat ng tungkol sa pagiging masaya. Sana po pakinggan nyo ang aking munting kahilingan.

Gumagalang,
Hindi si Janet Manalese

image

Ang Letter Sender

March 2014

Sa Aking taga-basang hindi si Janet,

Wasak. January pa yung request mo teh pero ngayon ko lang magagawa. Una sa lahat, tengene mo. Pag kheycee e bakla agad? Chos. I assure you 100% straight guy po ako. Anyway, salamat sa pagtangkilik sa munti kong kalokohan. May nais lang akong itanong. Anong nakain mo at sa akin ka nagtanong? Baliw ka ba? Kung work related problem yan e natulungan sana kita. Naka-shabu ka siguro. Suntukan na lang?

Haha. Wag ka mag-alala. Kahit di ko alam ang sasabihin ko e susubukan ko pa rin tugunan ang iyong katanungan.

Una: Tanggapin na ang buhay ay hindi puro saya. Kung ipagpipilitan mo na palagi kang masaya e mabibigo ka lamang. Parte ng buhay ang lungkot, pagkabigo, takot at kung anu-ano pa. Mahalaga ang pagkakaroon ng “good vibes”. Be positive. O sabi nga ng Team Gilas e #puso.

Pangalawa: Magbahagi. Hindi ka solo flight sa mundong ito. Masaya ka? I-share mo sa mga tropa mo. Malungkot ka? Ikwento mo sa amin. Natatae? Doon ka sa banyo. Wag mo i-solo ang lahat. Hindi ba kapag masaya ka tapos nagkwento ka sa kaibigan mo e mas nakakaganda ng pakiramdam? O kaya pag malungkot ka naman, nakakagaan ng pakiramdam pag may napagsabihan ka? Ganun yun.

Pangatlo: Maging simple. Hindi kailangan ng karangyaan upang maging masaya. I-appreciate ang mga mumunting bagay. Yung mga ninuno mo ba may xbox 360 + kinect (ehem Jucelle)? Pero hindi ba masaya pa rin naman sila? Hindi naman nila kailangan ng selfie noon diba?

Pang-apat. Pangalagaan ang sarili. Aba, mahirap naman ata maging masayang nilalang kung lagi mong inuuna ang kasiyahan ng iba kaysa sarili mo. I-reward ang sarili. Panatilihin ang mabuting kalusugan. A SOUND BODY + SOUND MIND = HAPPY SELF.

O last na yun. Pinahirapan mo ako dun ah. May bayad ito ha. 500 pesos. Hahaha. Basta tandaan mo, ikaw ang makakahanap ng tunay mong kaligayahan. Naks. Hahaha. Nauto ko yung sarili ko dun ah. Hahahaha. Bahala ka na kung maniniwala ka sa mga kalokohan ko o hindi.

“Don’t ask for it. Go out and win it for your own. Do that and you’ll succeed.”
-Adrock Thurston

2 Comments (+add yours?)

  1. Ang Hindi si Janet
    Mar 12, 2014 @ 06:41:39

    Nakakatakot ng magrequest -.-“

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: