Si Tintin: Ang Batang Laking Aircon at Kung Paano Siya Nagkaroon ng Kaibigan na Dating Bully pero Best Buds na Ngayon (Shortened Title)

Laking Aircon. Defined as a way of life since childbirth. Hindi kailangang uber rich. Pwedeng saktong pamilya lang na may kakayanang bumili ng “wants” aside sa “needs” nila. Antonym ng urban poor at laking paypay (o laking electric fan). Extremely endangered species. Madalas nakatambay sa Starbucks (kasama ng mga social climber), malls (and by mall e I mean Rustan’s and the like, not counted ang SM), La Salle and Ateneo (or ibang school na ang tuition nila e pwede ng pangkain ng urban poor family ng more than 3 months). If spotted, proceed with caution (lalo na kapag walang baong english). Medeles kase seleng neheherepen meg-tegelog.

Ang kwento natin ngayon ay tungkol kay Tintin. Isang batang certified laking aircon. Well, according to her, hindi naman daw sya laking aircon. Hindi naman halata. Promise. Kahit napapalibutan ang bahay nila ng mataas na bakod. Kahit sa radius na 5km e sila lang ang may bahay na may pool. Kahit mas madami pa yung CCTV nila sa bahay kesa sa NAIA. Well, baka nga naman hindi talaga siya laking aircon. Tipong nagkataon lang. Baka nga naman talagang iba lang ang kinalakihan nyang environment. Madalas naman siyang naglalaro sa kalye. Yun nga lang, kung ang ibang bata e naglalaro ng piko at patintero, dala naman niya ang kanyang Polly Pocket (mamatay na ang mga 20+ years old na hindi alam ang Polly Pocket). Pagkatapos maglaro, ang mga bata ay pupunta sa kanto para mag-fishball samantalang si Tintin ay may baong “banana fritters” (Maruya lang talaga yun, mas sosyal kasi pakinggan ang fritters. FYI: egg fritters ang tawag sa tokneneng at kwek-kwek sabi ni wikipedia). Kapag naglalaro naman sila ng teacher-teacher, ang hawak ng mga tropa nya ay blackboard at chalk pero kay Tintin e ang pinakabagong tablet. Yun lang naman. Hindi naman naghuhumiyaw na laking aircon talaga siya. Promise.

Noong una ay keber lang ito sa mga tropa nya. Ok lang kahit madalas amoy araw na sila tapos si Tintin ay amoy binabad pa rin sa Downy. Variety is good nga daw e. O san ka, bata palang e marunong na ng concepts ng equality. Haha. Kaya naman ay patuloy lang si Tintin sa pakikipaglaro sa kanila. Pero nagbago ang lahat ng dumating si Cris (sorry friend!). Si Cris ang self-proclaimed Queen Bully ng village nila. Kinatatakutan ng lahat ng bata. Imagine your worst nightmare. Tapos multiplied by 100. Divided by 56. Factorial by 10. Where the function of x diminishes as it approaches the plain of “the fuck I care”. Ganun ka scary. Kahit si Pythagoras e mapapaiyak.

Nang mag-krus mag-cross mag-kurus magkita silang dalawa ay walang sinayang na panahon si Cris para paiyakin si Tintin. Sabunot dito, tadyak, sampal. You name it, she did it. At syempre iyak ang ating bida. Hindi naman siya makapagsumbong sa parents dahil pareho itong nasa Coron para sa business trip. Unti-unti na rin umiwas kay Tintin ang mga dating kalaro. Impluwensya kasi ni Cris. Hindi na rin lumalabas ng bahay si Tintin. Takot na siya. Ikaw ba naman e. In short, naging anti-social na sya.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dadating ang pangyayaring babago sa lahat. Pasko noon. Katatapos lang mag-ikot ni Cris sa kanyang pamamasko (more like pang-aagaw ng pamasko) sa ibang bata. Habang sya ay naglalakad, hindi nya napansin na may sasakyang mabilis sa tabi nya at nabangga sya nito. Nakita ni Tintin ang buong pangyayari. Sa kasamaang palad ay hit-and-run ang naganap. Napaisip ang ating bida. Tutulungan nya ba si Cris? O papabayaan bilang ganti sa lahat ng nangyari? Should I give up or should I keep on chasing pavements? Even if it leads nowhere?

Ngunit alam nya ang dapat gawin. Agad siyang lumapit kay Cris at nag-alok ng tulong. Agad naman nadala sa ospital ang bata. Sa kabutihang palad ay di seryoso ang natamo nito mula sa aksidente. Naging lubos ang pasasalamat ni Cris kay Tintin. At doon nagumpisa ang isang bagong pagkakaibigan. Pagkakaibigang panghabangbuhay. Dahil ano pa ang mas hihigit sa isang pagkakaibigang pinagtibay ng buhay?

Wakas.

Afternotes:
No animals were hurt in the script. Ako lang ang masasaktan pag nabasa na nila ang sinulat ko. Haha. Sorry medyo pilit ang ending. Naubusan ako ng idea kung paano tatapusin.

PS. Hindi daw talaga laking aircon si Tintin. Promise.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: