Chain Reaction

Umaga. Pauwi palang si Alexa mula sa pinapasukang call center sa Buendia. Medyo pumupungas pa ng mata. Lumabas sya ng pinto ng gusali. Ang hindi nya alam ang paglabas nya sa gusali ang magsisilbing mitsa ng mga pangyayari ng araw na iyon.

Sa di kalayuan may habulang nagaganap. Isang magnanakaw at pulis. Mabilis ang mga pangyayari. Nabangga ng magnanakaw si Alexa. Natumba ang dalawa. Dagling bumangon ang magnanakaw at nag-umpisang tumakbo muli. Badtrip si Alexa. Sinubukan habulan ang magnanakaw ngunit napagod agad dahil sa puyat. Dahil wala ng nagawa, binato nya sa magnanakaw ng kanyang sapatos.

Hindi ninais ng lalaki ang magnakaw. Pero gutom ang kanyang pamilya. Isa syang karpintero sa ginagawang gusali sa Buendia. Pero di kaya ng sweldo nya na buhayin ang pamilya. Natukso. Nawala sa sariling pag-iisip. Kailangan mabuhay ang pamilya nya. Daglian nyang hinablot ang attache case ng mukhang mayamang babaeng naglalakad. Sabay takbo. Humabol ang mga pulis. Nang nasa kanto na siya ay may nabangga syang babae na palabas palang ng gusali. Tumba silang dalawa. Masakit. Tumayo muli at tumakbo. Naramdaman nya biglang may tumama sa ulo nya. At dahil wala siyang kinaing agahan ay nahilo. Biglang tumawid sa kalsada nang may sumalubong na bus.

Si Mang Renato ang driver ng bus. Tulad ni Alexa, pagod at puyat din sya. At tulad ng magnanakaw, nais din nyang mabuhay ang pamilya kaya sya nag-double shift. Di kinaya ng katawan ang pagod. Medyo wala na din sa sarili. Humigop sya saglit ng kape ng may biglang tumawid sa kalye. Preno. Todo ikot sa manibela. Pero may nabangga.

Pinulot ni Alexa ang hinagis na sapatos. Badtrip. Pinagpag ang damit na nadumihan at sinuot ang sapatos. Huli na ng napansin ang bus na umiwas sa tumatawid. Huli na ng nakita na sumampa na ang bus sa sidewalk. Huli na.

Dagsa ang mga usisero. Sino daw ang may kasalanan. Walang makasagot. Walang nakakaalam. Wala.

4 Comments (+add yours?)

  1. bagotilyo
    Jan 11, 2014 @ 22:41:14

    astig ang post na ‘to . Gantong mga klaseng tema ang gusto kong matutunang sulatin🙂

    perstaym ko ata dito sir. hehe

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: