Rizal Day

Sa Nagbabasa ng Blog na Ito,

Gujab. Pupusta ako na kung hindi double-pay e hindi mo ako maaalala kahapon. Ok lang. Promise hindi ako nagtatampo. Promise hindi masama sa loob. Namatay lang naman ako para sa bansa e. Sisiw na sisiw lang. Binaril lang naman ako para ma-enjoy mo yung kalayaan na nararamdaman mo. Ano ba naman yun para alalahanin mo ko. Nanay mo nga naaalala mo lang pag nagugutom ka. Pero off-topic na syempre yun.

Minsan kamo naiisip ko. Paano kung naging ordinaryong mamamayan lang ako? I mean, yung tipong hindi ako nagsulat or anything against sa mga kastila. Iba kaya ang mangyayari sa bansang ito? Sino kaya ang mag-iinspire kay buddy Boni na mag-aklas (the term!!) laban sa mga hilaw? Siguro ikaw magiging masaya. Hindi mo na kasi kailangan pang aralin yung buhay ko. Or basahin yung dalawang libro ko. In fairness sa akin e di ko naman sinabing basahin mo. Pakana ni Claro M. Recto yan.

Siguro kung artista ako e mas maaalala mo ako. Tipong John Lloyd Cruz. O sige na nga, pwede na ding Ramon Bautista. Hindi naman sa sinasabi kong sambahin mo ko (pasintabi sa mga Rizalista e nasobrahan ata sila sa squidballs), ang akin lang e kilalanin mo din ako. Para naman maliban sa mga heroes ng DOTA at LOL e may kilala ka pang ibang hero. Haller, national hero kaya ang peg ko. Promise naka-max out na attributes ko. Wala nga lang respawn point.

O sa susunod na taon ha. Aasahan ko ang pagbabago mo. Gawin mo ito para sa bayan mo. Ano nga ba yung quotable quotes na yun? Ah. Ang di marunong lumingon sa nakaraan, kung matinik ay malalim. Or some shit like that.

Peace out!!

Rizal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: