Sapatos

Ate Tet. Kasalanan mo ito e. Nilagyan mo ng subliminal message yung post mo para bumili ako ng sapatos. At hindi lang basta isa ha! Dalawa na sapatos ko! Tsktsk. Oo, maaaring dalawa nga lang ang sapatos ko pero para sakin na tsinelas lover e masyado na marami yun. Yung tipong dapat may schedule na kung kelan ko isusuot yung isa at kung kelan dapat hindi. Haha.
image

Hindi maganda ang love story namin ng sapatos. More like, war story. Simula kasi nung elementary ako e steel toe shoes na gamit ko. Kamusta naman sa bigat nun diba? Sabi ni nanay e para daw matibay. Well, tama naman sya. Yung isa kong steel toe shoes e nasuot ko pa ng 3 taon. Pero ayun nga. Sobrang parusa sa bigat. Nagpatuloy yun hanggang college. At patuloy kong minura ang steel toe shoes. E paakyatin ka ba naman ng 3rd floor. Ang bigat na nga ng body fats ko tapos ambigat pa ng sapatos ko. Ang positive factor lang ng sapatos na yun e pag nanipa ako, siguradong aaray ang target. Once nga, naipit yung paa ko ng gulong ng trike pero d ko napansin dahil sa steel toe shoes na yun.

Kaya ayun. Simula ng nagkaroon ako ng trabaho e laging tsinelas ang suot ko pagpasok. Hindi naman ako sinita ni kuya manong guard e. Magaan naman sa pakiramdam. Hindi na rin ako pinilit ng nanay ko na magsuot ng steel toe shoes. Bahala na daw ako tutal naman e sumesweldo na ako. Ayun. Kahit saan magpunta e tsinelas ang suot. Pag sinita, palusot agad.

So ayun. Tetestingin ko muna kung masasanay ulit ako mag-sapatos. Malay mo naman diba. Tutal e wala pa namang tag-ulan. Sa ngayon, sa kahon muna ang mahal kong tsinelas. At magppraktis muna ako mag-sapatos. Kasi napapansin ko lang, nadadapa ako sa hagdan pag naka-sapatos. Either tanga yung sapatos, o tanga ako.

Hay. Walanghiya ka talaga Ate Tet. Haha.

[Bisitahin ang blog ni Ate Tet sa pamamagitan ng clow cards at ng susi ng kapangyarihan. O pwede ding pindutin ang link na ito.]

2 Comments (+add yours?)

  1. tetrara
    Dec 18, 2013 @ 21:47:57

    Aba aba ano ‘to?! At kasalanan ko pa pala hahaha… Mas okay kaya ang sapatos, praktisin mo yan dude. Gaganda future mo kapag nakasapatos, maniwala ka.😀

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: