You want it? Go get it!

Ehem ehem, epal ako ng epal sa blog ni Keverloo pero di manlang ako nagpakilala. Ako nga po pala si Queen Emmyrose Sese, di nyo po yan mahahanap sa facebook, jejemon ang pangalan ko dun. isang tumbling nalang 24 years old na. Nanuno daw ako sa punso nung bata ako kaya di na ako tumangkad. 24 years nadin akong SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) kung may official na membership lang dyan siguro platinum member na ko. Simple lang ako, hinde propesyunal sa kahit anong larangan. Nakiki-epal sa blog ng kaibigan para may magawa sa boring kong buhay. Kumakanta pala ako! Vocalist sa isang japanese techno band, weirdo daw ako dahil hindi maintindihan mga kinakanta ko, sabi ko gifted lang. May google pwede namang itranslate yung mga lyrics tsk! Di lang sila resourceful.

Hindi ako naniniwala sa kasabihang “if it’s meant to be it will be”. kalokohan eh? Tignan nyo ah, bakit mo isasangalang alang ang buhay mo dahil lang baka sakali yun ang dapat mangyari sa buhay mo? Adik eh? Panu pag nanakawan ka sa daan? nangyari ba yun dahil dapat kang manakawan nung araw na yun? HINDI! Nanakawan ka kasi tanga ka haha! Hindi mo inayos yung gamit mo, ikaw na magtext sa daan diba? Naniniwala akong kapag may gusto kang gawin sa buhay mo kailangan mong tumayo sa kinauupuan mo, tigilan saglit ang 9gag (saglit lang kasi ako din nag9-9gag) at gawin mo gusto mo! Walang imposible sa buhay. Ikaw lang mismo naglilimit sa sarili mo. Katulad ko, buong buhay ko mataba ako, since birth opo. Gusto ko na nga lang hayaang ganun eh, sarap kumain eh! I love fooodss omaygawd! HAHA, pero mahal ko sarili ko, gusto kong magmukang maayos at mabuhay ng malusog kaya nagsisimula na kong mag ehersisyo kahit na AYAW KO, ayaw ko talaga. Sobrang sarap kayang tumanga lang.

Ako din ay isang taong madaming madaming problema sa buhay. Tipong pati yung mga babaeng di marunong mag-flush sa CR pinoproblema ko, asar eh! But seriously, minsan naisip ko ng magpakamatay dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Numinipis na buhok ko sa stress ko. Pero ganun nmn talaga ang buhay diba? Hindi laging sumasang-ayon sa mga gusto natin. Ang sikreto ko? Ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Hindi nila ako iniwan sa lahat ng mga pinagdadaanan ko. Sila ang dahilan kung bakit eto ako, basang basa sa ulan. Charot! Eto ako naka-ngiti padin kahit na sawang sawa na ko. Sila ang dahilan kung bakit pinipilit kong bumalik sa dati kong sigla. Napagdesisyunan ko nading magbago para sa sarili ko. Magpapayat ganun para magka-jowa, charot! Magbago para sa ikakasaya ko. Magbago para sa mga taong sumusuporta sakin. Magbago dahil ang lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago.

Ayun lang, pasensiya na kung mali mali tong grammar ko. Di po talaga ako propesyunal, feeling lang. Salamat sa lahat! Wag kakalimutan na ang kaligayahan ay hindi nahahanap kung san man, ito ay nanggaling sa sarili natin.

“Keeping baggage from the past will leave no room for happiness in the future.” 
― Wayne L. Misner

Message mula sa mayari ng blog:
Hoy Queen Emmyrose Sese. Gumawa ka na kasi ng sarili mong blog. Haha. Naunahan tuloy ako magsulat ni Franklin tungkol kay Bonifacio my loves. Di ko na inedit. Para mas natural na galing sa iyo.

3 Comments (+add yours?)

  1. Poging poging JM
    Nov 29, 2013 @ 21:20:12

    pag sawi sa pag ibig nkakapagsulat ba ng blog? teka teka, hindi pdeng c kwe lang nafeature d2. me tula akong gnwa pra sa asawa ko nun, ggwn ko dpat kanta, d ko lng natapos… feature mo din d2. inggit ako eh.

    Reply

  2. Anonymous
    Nov 30, 2013 @ 08:11:59

    nice one kwe..🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: