Selpon – Queen Emmyrose Sese

Una sa lahat maraming salamat sa aking kaibigan na may-ari ng blog na ito, si Keverloo. haha! Hindi po ako professional kaya sobrang magiging informal ng entry na ito. wala din akong alam sa blog pero alam ko kung ano ang mga gusto kong sabihin.
 
Ang tao ay likas na mapagmahal.ito ang pinaka natural na bagay na alam nating gawin, kesyo tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, libangan o ano pa man. Kapag natutunan na nating mahalin ang isang bagay nahihirapan na tayong pakawalan to. nahihirapan tayong tanggapin na hindi na ito makakatulong satin, pilit nating inaayos ang mga bagay na wala na. Halimbawa yung unang cellphone kong fliptop, ilang taon kong ginagamit kahit na may mga android na at sobrang outdated. bakit nga naman ako magbabago? kabisado ko na ang bawat pindutan nito at naibibigay nya saakin ang mga kailangan ko. masayang masaya na ko sa gamit ko na yun. Pero isang araw nasira ‘to at ayaw ng gumana. ako ang nakasira dahil hindi ko inaalagaan. pinilit kong ayusin, baka sakaling umayos pa at magamit ko uli. pero mas lalo ko lang nasira. masakit man pero bumili nalang ako ng bago. di ako sanay. nasasaktan ang mga kamay ko, nahihilo ako sa bagong hitsura at halos itapon ko na. Pero natuto din ako. unti unti akong natutong gamitin ang bago kong cellphone at minahal ko na din ito. Yung luma ko? Nasa isang box nakatago. kahit na sira na sya, naging parte padin sya ng buhay ko. tuwing makikita ko sya habang nagliligpit ako, napapangiti ako at naalala ko kung gaano  kasaya nung una ko syang magamit pero alaala na lang ang lahat. alam kong hindi na sya magagamit pa.
 
Mahirap mang bumitaw sa mga bagay na nakasananayan natin, dadating ang panahon na kailangan na natin ito isuko. kailangan nating tanggapin na kahit gaano pa tayo minahal at napasaya ng mga ito, ay may darating pang mas maganda. hindi masama ang sumuko. pero masamang ipilit ang mga bagay na nasira na talaga ng panahon. Ang tao ay likas na nagbabago, likas na malakas at likas na natututo.
“Lots of things can be fixed. Things can be fixed. But many times, relationships between people cannot be fixed, because they should not be fixed. You’re aboard a ship setting sail, and the other person has joined the inland circus, or is boarding a different ship, and you just can’t be with each other anymore. Because you shouldn’t be.”
― C. JoyBell C.

2 Comments (+add yours?)

  1. will
    Nov 25, 2013 @ 22:58:44

    ang masasabi ko lamang ay malaman ang nilalaman ng likhang sulatin na ito at base sa aking nabasa ito ay tungkol sa pag-alala sa isang alaala na naaalala sa tuwing maaalala ang natatangi at natatagong alaala.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: