Mga Angst ng Di Ma-appease na Bampira

Shet. Ayoko na talaga. Ipatawag mo na si Buffy the Vampire Slayer at si Blade. Pass na ako sa pagiging undead. Nakakaasar na kasi e. Aminin mo. Wala ng takot sa mga bampira ngayon. It’s like lahat gusto na maging vampire. Paano na ang supply namin ng dugo nyan? Aasa na lang sa blood bank? Ano yan tetra pack? May kasama pang quick punch doy pack? Punyemas naman talaga. Unfair talaga ng mundong ito.

Tignan mo si white lady. Wala masyadong iniisip kundi paano nya papatuyuin yung bagong laba nyang costume tapos ok na. O ni manananggal na ready palagi sa scary moments. Si tiktik (yung aswang hindi yung dyaryo) rin e game na game na sa Halloween fright nights. Shangaps. May problema din pala si kapre. Medyo mahal na rin ata yung tabako. Pero keri lang daw. Pwede naman daw sya maki-hits sa mga nagyoyosi sa TaskUs. O at least tipid si kuya.

Kasalanan ito ng Twilight series e. I mean what the f*ck men. Kumikislap na bampira? Disco ball lang ang peg? Punyemas naman talaga. At ang gay pa pumorma. Walang class. Nako naman. Tapos na-iinlove? Haller. We are like mindless killers kaya. Asan ang murderous mind mo kuya? Nababad na sa zonrox kasama ng kulay mong hilaw? Dapat tinapos ka na ni grandmaster Dracula e. Who are you kidding? Pag nakita ko talaga yang Edward Cullen na yan e ako pupugot ng ulo nya. Kaya Team Jacob talaga ako nung una pa lang e.

Well. Shit happens nga naman. Nagkataon lang na ako ang nadale. Mukhang kelangan ko na magpalit ng job description. Kung mananatili akong bampira pero bading naman e wag na lang. Ako pa maglalakad sa arawan para mamatay. Wait. Bagyo pa rin pala kaya less sunny days. Sasaksakin ko na lang yung sarili ko ng barbecue stick. Sa mata.

Sumama na lang kaya ako kay white lady? Para tandem kami. O diba. Valentines lang ang halloween peg namin. O kaya maki-hits na lang ang din ako kasama ni kapre. Pero isa lang ang sure ko. Manonood ako ng mga reruns ng Magandang Gabi, Bayan. [Insert sinister laugh here.] Happy Halloween! Kahit medyo advance pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: