If I Was Your Boyfriend

Kung ako ang boyfriend mo..

Magsasawa ka sa Mang Inasal. Course requirement yun. Aba. E sino ba naman ang aayaw sa unli rice at unli sabaw? Aber? Pero dahil naiintindihan ko na ayaw mo masira ang figure mo, kahit twice a month lang. Pag 15th at 30th. Haha. Ayoko sa Chickboy. Dry yung chicken nila.

Mapipilitan ka magbasa ng libro. And by libro, I don’t mean Precious Hearts Romance. Super labidabs to the nth power na kita pag nakikipagtalo ka sa akin ng tungkol sa LOTR. O kaya pag binasahan mo ako ng Fifty Shades. Yung complete series. Hihi. If you know what I mean.

Mag-iinit ulo mo sa moodswings ko. Oo na. Daig ko pa may PMS. Pero minsanan lang yun. Promise. Kaya para dito e nagsasabi na ako ng sorry in advance. Libreng batok sa akin pag sobrang asar ka na. Mga tatlo siguro pwede na. Wag lang lalampas kundi papatulan kita.

Mag-coconcert tayo palagi. Aba. Sayang naman ang pag-aaral ko ng gitara at piano kung di mo ako sasabayan. Ano ako private musician mo? Bertdey mo teh? Tapos ipopost natin sa Youtube. Malay mo, malay ko din. Wag ka mag-alala. Pag di ka na nakaharap dun lang ako tatawa ng malakas.

Maliban sa concert, gagawa din tayo ng cooking show. Kasama ng pagkahilig ko sa pagkain e ang pagkahilig ko sa pagluluto. Sabi kasi ng nanay ko yun e. Dapat daw matuto ako. Siya nagluto tapos ako nag-ubos? Prinsipe lang ang peg? Tapos post ulit natin sa Youtube. Lahat dapat sa Youtube.

•Maglalakbay tayo sa buong Pilipinas. Alangan naman na iwan kita. E partners in crime tayo. Naks. Kinilig si ateng. Matagal ko na pangarap ito. Parang personal achievement na rin. Abroad? Saka na pag mayaman na tayo.

Tuturuan kitang mag-computer games. Para walng tampuhan na nagaganap. Pero syempre di ko ituturo sa iyo lahat. E paano kung natalo mo agad ako? Haha. Tapos magpupustahan tayo. Isang kiss bawat talo. Ayyyyyiiieee. Haha. Pwede rin magtanggal ng isang damit bawat talo kung gusto mo ng extreme. Tapos Youtube ulit.

Naka-sun cell tayong dalawa. Dapat lang. Sa mag-jowa daw dapat naka-sun. Mura lang ang load e. May unli call pa. Para walang excuses. Call me maybe?

Dadami ang kamag-anak mo. Sa dami ba naman ng nanay, tatay, ate, kuya, bunso, aso, pusa at ibon sa pamilya ko e mahihilo ka sa family tree ko. Maski naman ako. Damay-damay na ito.

[Ititigil ko muna. Madami pa akong gustong sabihin. Pero sa di malamang kadahilanan, habang sinusulat ko ito e tumutugtog yung kanta ni Justin Bieber na “If I was your boyfriend” sa isip ko. Demmit brain!! Stahp!!]

Update: Sabi ni utol ang tamang title daw nun e “Boyfriend”. Haha. Sorry naman.

14 Comments (+add yours?)

  1. zezil
    Sep 24, 2013 @ 20:54:19

    Funny list you have here.🙂

    Reply

  2. Kenneth Luis Marcos
    Sep 24, 2013 @ 21:10:57

    ahahahaha nice

    Reply

  3. Trackback: Annoying things I might do if I’m your girl | Hullo everyone!
  4. ms.anonymous
    Sep 24, 2013 @ 23:19:37

    pano poe mag-apply para maging gee-ef nyo poe?

    Reply

  5. Ms. Teryoza
    Sep 24, 2013 @ 23:24:31

    Pag ikaw po ba naging boyfriend ko, paliligayahin mo ko? curious lng, wala kc d2 sa list mo eh..

    Reply

  6. Bebekoh
    Sep 25, 2013 @ 13:38:59

    Buti na lang hindi ikaw ang bebekoh! hahahahah!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: