Si Malakas at si Maganda v2.0

Bored noon si bathala. Kaka-post palang kasi ng bago nyang article sa WordPress account nya pero sigurado na siyang siya lang rin ang babasa nito.

“Powtek”, wika nya. “I’m like mega bored here na.” Buntong hininga nya habang inuulit lang yung sinabi ng narrator kanina.

Naisipan ni bathala na gumawa ng mga nilalang na kawangis at may angking talino tulad nya. Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit tao ang naisip nyang gawin e sablay naman yung mga nilalang nyang iyon. Pero wala na tayong pakialam doon dahil hindi na iyon parte ng kwento.

Nag-umpisang maghagis ng mga binhi si bathala. Ang una nyang naihagis ay mga binhi ng cannabis. “Ay powtek. Wrong plant dude. Hihi.” Tila ata naka-drugs si bathala.

[Timeout ang ingay ng mga katabi ko dito sa Jollibee. $? (#!? #(!  nyo!]

Ayun. Balik tayo sa kwento. Ang sunod na inihagis ni bathala ay ang binhi ni Karuma. Sabi na matanda ka na kaya alam mo e. Pustahan pinalaya mo na ang dakilang alagad na si Zenki sa isip mo. Ungas.

Medyo bad vibes na si bathala. Ang dami ko na kasing sinabi pero wala pa rin sa eksena si Malakas at si Maganda. Kaya naman tuluyan na niyang inihagis ang binhi ng kawayan.

Wala pang 5 minutes, therefore malinis pa, ay tumubo ang binhi. Nang maging kasing tangkad na ito ni Karim… Kharim..  LeBron James na nga lang, ito ay tumigil sa paglaki. Nahati sa gitna ang kawayan at lumabas si Chito Miranda at Neri Naig. Pero charot ko lang yun. At lumabas na nga si Malakas at si Maganda at sila ang naging unang Pilipino/Filipino.

Natuwa si bathala sa mga naganap. Kaya agad syang nag-bukas ng twitter at nag-post sa kanyang account. #Ehrmerged. At siya namang ni-like agad ni elepante at daga.

Na-inlab at pers sayt si Malakas kay Maganda. Ikaw ba naman sa sitwasyon nya e. Pero may problema. Medyo pa-keme si Maganda. Medyo mahaba ang hair ni ateng.

Binanatan agad ni Malakas ng pickup line si Maganda.

Malakas:
[Narrator’s note: Powtek. Wala akong maisip na pickup line. At ang ingay nanaman dito sa Jollibee.]

O basta nagpickup line si Malakas. Pero dahil nga hard to get si ateng ay di nalaglag ang kanyang panty.

ITUTULOY……

Assignment:
1. Bakit bitin ang kwento?
2. Ano ang account ni bathala sa twitter?
3. Sino yung bagong crush ng narrator? May pag-asa kaya? 2pts.
4. Saan pang kainan pede magsulat? Yung walang maingay ha.
5. Sino pwede magpautang sakin ng 10k? Yung seryoso ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: