The Mistress

Kasalanan ko ito. Kung nakinig lang ako sa sinasabi nila ay di na sana nangyari ito. Pero huli na ang lahat. Di ko na ito maibabalik pa sa dati.

December 2003 kami unang nagkita. Sa isang bar yun sa Malate. Masaya ako nun kasi bagong promote palang ako sa trabaho. Kasama ang mga kaibigan, nag-happy happy kami. At dun ko sya unang nakilala. Gwapo. Maayos ang porma. At ang tamis ng ngiti. Tinignan ko agad kung may suot ng singsing. Wala naman akong nakita. Umiral ang landi. Agad akong nagpakilala sa kanya. Nagkakwentuhan. Dumami ang alak na nainom. Pero promise. Walang nangyari sa pagitan namin.

Di natapos sa bar ang pagkukwentuhan namin. Minsan pagkatapos ng shift sa trabaho ay sinusundo nya ako at namamasyal kami kung saan-saan. Di napigilan at unti-unti na rin nahulog ang loob ko sa kanya. Ganoon din naman daw sya sakin.

Naging mag-live in kami. Inaamin ko. Masaya. Oo may mga pagkakataon na nag-aaway pero aling relasyon ang wala nun? Ang mahalaga ay nagsasama kami.

Pero may hangganan ang lahat. Natuklasan ko nung isang araw ang katotohanan. Nakita ko ang kanyang wedding ring. Inamin naman nya agad na may asawa na sya. At tatlong anak.

Hiniwalayan ko kaagad sya. Pilit na hinarap ang sakit. Nadapa ako pero kailangan kong bumangon muli. Hindi para sa kanya. O para sa kung sino pa mang demonyo. Kailangan ko ito para sa sarili ko.

Noong una sobrang hirap. Dumadating ang pagkakataon na lagi ko syang hinahanap. Tila baga parang droga na laging hinahanap ng aking sistema. Pero sa una lang iyon. Sa tulong ng aking mga kaibigan ay nalagpasan ko ang lahat. Nagumpisa akong ngumiti. At tuluyan ng sumikat ang araw.

Sampung taon na ang nakakalipas, meron na akong sariling pamilya. Hindi ko pinagsisihan ang lahat. Nangyari ito upang maging malakas akong tao. Siguro ay iba ako kung hindi ko iyon naranasan. Siguro ay di mo ako makikilala ngayon.

Hindi ko sinasabi na gayahin mo ako. Ang ibig kong sabihin ay maging matalino ka sa pag-ibig. Natatawa ka? Balang araw ay maiintindihan mo din ako. Balang araw sasabihin mo rin na tama ako.

3 Comments (+add yours?)

  1. Anonymous
    Aug 01, 2013 @ 12:48:10

    naks pang pocket book

    Reply

  2. Anonymous
    Aug 01, 2013 @ 13:00:36

    no need, im just happy with what i have been reading on your blog. May future ka jan iho

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: