How to Write a Blog (at ang mga napulot ko sa Bloggers Expo)

Naks. Mag-mamagaling nanaman ako. Haha. Pagbigyan. Minsanan lang ito e. Hahaha.

image

So ayun nga. Last Saturday, nakaladkad ako ni Franklin sa isang blog expo. Dahil wala naman gala sila kwenneth, e sumama na rin ako. Di naman ako nagsisi. Although puro fashion bloggers ang nandoon, sagad naman sa chicks. Haha. Sayang nga lang kasi gusto ko sana matuto magsulat ng food at travel blog. Kaso walang speaker. Sheyt.

Madami naman ako natutunan kahit parang saling-pusa lang kami dun. Haha. Medyo hardcore lang sila kasi more on the business side na yung mga blogs nila compared sa akin na wala lang talaga ako magawa sa buhay.

image

Figure 1. Vern & Verniece Enciso-speakers ng Bloggers Expo

So eto na talaga. How to write a blog (sabi nila):

1. Know what to write
Ito yung magiging focus ng blog mo. Travel blog ba yan? Food blog? Fashion? Daily journal? Video log? Magsulat ng tungkol sa gusto at alam mo. Weird naman kasi kung magsusulat ka ng blog tungkol sa pagluluto ng adobo pero kanin lang alam mong lutuin. Tapos sunog pa. Consistency is the key. Or so they say.

2. Sign-up, sign-up, sign-up
Pag napag-isipan mo ng hindi powertrip ang lahat e oras na para mag sign-up. Maraming libreng blog spot ang readily available sa internet. Alamin kung paano gamitin. Mag-explore. Pero wag kalimutang mag-ingat kay Swiper the fox. Charot.

3. Keep Calm and Just Write
Wag kang praning. May mga pagkakataon na wala ka talagang masusulat. Okay lang yun. Kahit si J. P. Rizal at si J. K. Cadiz e nagkaka writer’s block. Kung kaya mo magsulat araw-araw edi go. Walang pipigil sa’yo. Sulat lang ng sulat hanggat may time.

4. Haters gonna hate
Naks. May hater. Congrats may nagbabasa ng blog mo. Haha. Pero kiber lang sa hater. Opinion nya yun e. Iwasang gawin syang topic ng next post mo. Lalo na kung ang title ay “Mamamatay kang Maderpaker ka”. Ituro mo sa akin kung sino. Ililigpit natin yan. Charot.

5. 0 views? Keri lang
Ok lang yan. Kahit 0 views palang ang blog mo e wag kang ma-depress. Baka naman kasi ikaw lang nakakaalam na may blog ka. Matuto mag-advertise. Ikalat mo sa FB, Twitter at kung anu-ano pang social site na may blog ka. Idaan sa kulit. Para san pa ang tropa mo? At kung walang-wala e isama na rin si inay at ang pamilya. Para naman hindi lang puro Candy Crush ang alam nila.

6. Wag Suplado/Suplada
Interact with your readers. Magpasalamat sa mga praises nila. At ihanda ang middle finger sa iba. Joke. See number four. Pero wag maging kiss ass. Yung tama lang.

7. Have Fun
Masaya mag-sulat. Pramis. I-enjoy mo lang ang lahat. Sabi nga sakin ni Tofu e pagtanda mo, paglingon mo e matutuwa ka sa pinag-susulat mo. Wag isipin na wala kang talent. Ungas. Lahat tayo may kakayanan mag-sulat. May innate nga lang ang talent at may kelangan sanayin lang.

Ilan lamang yan sa dapat mong matutunan sa pagsusulat ng blog. Hindi ko maituturo ang lahat. Kailangan ma-experience mo at matutunan ang ilang bagay sa sarili mo. Magresearch. Para naman hindi puro porn yung oras mo sa internet. Haha. O anu pa tinutunganga mo dyan? Sulat na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: