Rainy Day Reflections

Ayoko talaga pag umuulan. Kung anu-ano ang naiisip ko. At karamihan dito ay malungkot. Ang tag-ulan ang pinaka perpektong panahon para sa akin para mag-emo. Hindi naman ganito palagi. Syempre noon, masaya ang ulan para sa akin. Nagdadala ito ng pangakong baka bukas walang pasok. Pero dahil hindi na kontrolado ng CHED ang pagpasok ko, nawala din ang sayang dala nito.

Maraming bagay ang naganap. Lahat hindi masaya. Pero kahit ganun, may mabuti itong naidulot. Dinala ako nito sa liwanag. Pinakita nito ang katotohanan. Ginising nya ako sa mahimbing kong pagkakahimlay.

Hindi ko inasahan na sa kanya manggagaling ang mga katagang babago sa buhay ko. Akala ko kasi nung una ay palagi nya lang sasakyan yung trip ko. Pero ang totoo, binasag nya ang kasinungalingang binalot ko sa sarili ko.

Aaminin ko. Hindi pa ako nakaka-recover. Kapag naiisip ko yung mga sinabi nya sa akin, di ko mapigilang mapa-luha. Pero tama sya. Masakit ang katotohanan. Pero sa una lang. Sa katagalan, magagawa mo ring ngumiti. Maaalala mo ang nakaraan pero matatawa ka na lang. Parang nung bata pa tayo. Nadapa ka, pero hindi mahalaga kung naka-tayo ka. Sureball na yun e. Ang mahalaga ay kung anong ginawa mo para makatayo ulit. At kung anung ginawa mo pagkatapos mong tumayo.

Marahil nagtataka ka kung anong ini-inarte ko ngayon. Kung ano bang pinagsasabi ko. Wag ka mag-alala. Ikukwento ko din. Sa tamang panahon nga lang.

Salamat sa sarili ko sa pagbangon pero mas malaking salamat sa taong tumapik sa sakin para magising ako. Shangaps, habang magkausap kami ng taong yun. Pumasok ito sa isip ko. Di ko alam kung makakatulong din sa’yo. Pero itago mo. Malay mo lang.

image

Sana bukas umaraw na. Sana lang talaga.

[All things, good or bad, must come to an end.]

4 Comments (+add yours?)

  1. odzie
    Jun 13, 2013 @ 22:27:22

    may gusto akong sabihin pero censored yun kaya di ko na png sasabihin… hahaha.. Good job though.. I salute you Kevs..

    Reply

  2. Jz Lyn
    Jun 14, 2013 @ 07:47:51

    Some good things never last but when it last another good things come🙂
    Try to make another memory under the rain para di ka na mag emo🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: