Aftermath ng Pagsusulat sa Ingles

Nakakatawa. Hindi ko aakalain na mangyayari sa akin yun. Siguro isang parusa sa pagsusulat ko sa wikang banyaga kahit Araw ng Kalayaan ng bansa ko. Punyemas.

Pagkatapos ko isulat ang “A Love Story” ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Kakaiba sa pakiramdam. Napakasakit ng ulo ko. Sinubukan ko itong itulog. Pero ang hindi ko alam e wrong moves pala yun.

Medyo naging mahaba din ang aking naitulog. Ngunit pag gising ko, delubyo pala ang kasunod. Lalong sumama ang pakiramdam ko. Kung bago ako matulog ay masakit lang ang ulo ko, nadagdagan naman ito ng pagsusuka.

Praning ako pag nagkakasakit at dahil dyan, kunsulta agad ako kay Google. Kung anu-ano ang nakita kong sakit ko daw. Haha. Naloko na. Takbo sa banyo. Nagpupumilit na sumuka. Ngunit dahil walang laman ang sikmura, hanggang porma lang.

Hindi ako kumain ng agahan. Baka kasi iluwa ko lang din. Sayang. Pinilit ko pumasok ng opisina. Workaholic e. Charot. Pero dahil gutom, nakaramdam ng hilo. Tumakbo ako sa pantry. Lafang ng kanin at bistek. Maya-maya ay tumakbo sa banyo. Suka. Ayos. Naisip ko, nasuka ba ako dahil may sakit ako o nasuka ako dahil sa lasa ng kinain ko? Haha.

Pagkatapos ng banyo session, uminom ng gamot at natulog sa station. Naging okay naman ako pagkatapos. At nakahinga rin ng maluwag. Hay. Sabi na dapat sa tagalog lang ako nagsusulat e.

PS. Alam kong laging binabasa ni Cris ang blog ko. Sana di ka nasusuka sa mga nabasa mo friend. Haha. At salamat pala kay Halley sa pagrerekomenda ng gamot. Sabi nila Biogesic daw inumin ko pero ikaw lang nagsabing mefenamic acid dapat. Ayun. Yun ang ininom ko. Sabi na drug addict ka din. Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: