Call Center Agent Part 1

Malamang hindi ito ang unang blog na nabasa mo tungkol sa pagiging call center agent. Marami ng naisulat na kwento tungkol sa topic na ito. Pero dahil gusto ko mamburaot sa tahimik na araw mo, isusulat ko pa rin .

Di tulad ng ibang kwento, hindi ito nagumpisa sa pag-graduate ko. Isa akong house bum noon. TV, kain, tulog ang buhay. Background music na lang ng Pigrolac e super pwede na.

Naubos ang pera na naipon, naubusan ng papanoorin sa bahay. At napilitan na maghanap ng trabaho. Akala ko nun madali lang. Powtek ang hirap pala. Call center agent ang inapplyan ko. In demand kasi. 5 buwan, higit sa 2500 pesos na pamasahe at anim na BPO bago ako natanggap sa Teleperformance.

Ayos naman sya. Voice account ang nakuha ko. Inbound. Isa lang ang naiisip ko nun. Cool! May K na ako mag-english magdamag. Hindi masasayang ang magdamag kong panonood ng Spongebob.

image

Dahil nagbalak ako mag-pari bago pumasok ng call center, naging running joke sa team na ito talaga ang calling ko, ang magsabi ng “Thank you for calling…” Punyemas.

image

Avaya. Ito ang naging besprend ko sa opisina. Yun yung tawag sa telepono na gamit namin. Dito ako natuto mag drop ng call, magkunwari na malabo ang linya gamit ang candy wrapper at mag-auxjump. Pero secret lang natin yun. Haha.

Umalis din ako sa Teleperformance. Ang layo kasi. At dito ko naman nakilala ang TaskUs. (Warning: Pasipsip Mode Activate!) Ayos naman din dito. Non-voice account naman. Mas madali compared sa dating trabaho. Mas maraming time para sa sarili.

Hindi ko una planong magtagal sa trabahong ito. Pero sobrang sakto kasi sa ideal workplace ko. Ayun. Nagtagal na sa larangang ito. Wapakels naman ako. Marangal naman na trabaho ito. Sa mga nagsabing trabaho ito ng bobo at tamad, mali ka. Dahil tiyak ako, nasa kalahati ka palang ng shift, nababaliw ka na.

O ikaw. Kanina pa nag-end yung call. Closing spiel na.

“..Thank you for doing business with us and have a great day. Goodbye!”

[Na-discover ko nung isang araw na may followers na ang blog ko galing UK at India. Ang ibig sabihin lang nito mapipilitan na ako magsulat sa wikang Ingles. Patay.]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: