Letter to the Future Me

Hi kheycee,

Oo ikaw yun ungas. Malamang pag naalala mo itong basahin mga 50 years old ka na. Yan e kung maaalala mo pa. Alam naman natin parehong bopols yang memorya mo. Oppss. Natin pala. Di ko na rin maalala kung bakit ko ito sinulat. Nadala lang siguro ako ng boredom. Ang boring nating dalawa noon no?

Sana kapag nabasa mo na ito e natupad mo na kahit 68% ng mga pangarap mo. Kahit 57% lang quota na. Wag lang below 30%. Dahil pag nangyari yun, nakow, susugurin talaga kita.

Natatandaan mo pa nung 22 pa tayo e naging sobrang depressed ka dahil di ka naka-graduate? Proud ako sa’yo dahil hindi mo tinuloy yung suicidal moments mo nun. Pero badtrip talaga. Nalilito na kasi ako kung anong pronoun ba talaga ang gagamitin ko sa sulat ko. Ikaw,ako,tayo,natin? Letse. Bahala ka umintindi. Haha. Maka-segue lang.

Siguro naipatayo mo na yung pangarap nating bahay. Hindi yun, tanga. Yung nakita mo nung namasyal tayo sa EagleRidge nung 18 pa lang tayo. (Oo,walang chronological order to.) Ok lang naman kung hindi mansyon ang naipagawa mo. Kahit nga duplex astig na. Basta may bahay tayo.

Ilan kaya ang naging anak mo? Natupad kaya yung pangarap mong panganay na babae? Hindi ko na tatanungin kung ilan naging asawa mo. Alam kong hardcore loyal ka e. Faithful pa. Naks!! Makapagbuhat ng sariling bangko!! Haha. Naalala mo yung sinabi mo kay Kwe? Yung tropa natin. Nung nag-swimming ata tayo nun sa MoonRiver. Yun ang patunay ko na di ka mangangaliwa. Kanan lang. Charot.

Saang call center ka naman nakatambay ngayon? Dun pa rin ba sa mukhang illegal na kumpanya na yun? Hahaha. O baka naman nagtuturo ka na. Astig yan. Sana naipon mo lahat ng nai-sweldo natin. Alam kong napaka-luho nating dalawa. Sana di ka na impulse buyer tulad ko ngayon.

Ilang instrumento na kaya mong tugtugin? Natuloy mo ba yung plano mong pag-aaral ng saxophone at violin? E yung libro? Ilan na naging blog entry mo? Andami ko bang tanong? Napaka-ironic ba na nagtanong ako kung marami ba akong tanong? Tpos tinanong ko pa ulit? Ng paulit-paulit? Oo ungas. Ganyan ka ka-abnormal noon.

Teka. Alarm clock ko ata yun. Wag ka tumawa. Hindi ko kasalanan kung bakit ang alarm clock mo e kanta ng bumbay yung tugtog. Anu nga yung palusot natin pag may nakakahuli satin pag nakikinig ng k-pop? Ah, yung pagiging open-minded sa ibang kultura. Open-minded my ass. Alam kong judgmental ka din.

Kung anu man ang lagay mo ngayon, sana masaya ka. Yun lang e palagay na ang loob ko. Matuto kang makontento. Hindi lahat ng bagay makukuha natin. Sabi nga sa atin ni Cris, basta daw masaya ka sa ginagawa mo. Ayun.

Andami ko nanaman nasabi. Tatapusin ko na ito. Katulad ng laging sinasabi ni Son Goku sa ending ng bawat episode. Hindi yun!! Pag-nagccharge lang sya sumisigaw ng “Arrrggghhh!!”. Tanga much? Yung “..hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!!”

PS. Excited na ako makita ka.

PPS. Pero wag naman agad-agad. Gusto ko pa mag-bora.

PPPS. Na-late ba tayong dalawa? Ang mahal nung penalty no? 10 pesos per minute. Punyemas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

J'emmêlé

Making little noises since April 2016.

SubSelfie.com

Behind the Scenes. Beyond the Newsroom.

Punjetry

Puns, Poetry and Free Writing

Life Lessons

When life gives you lemons, oh wait, I love lemons.

bon voyage, doc!

it's about the journey

fernandezjrp

filio temporis

reynamahadera.wordpress.com/

Pa-Chicks na Blog (Love, Life, Lesbianism and Everything in Between)

Doctor Eamer's Blog

PAG-IBIG ATBP.

The Spin Busters

Reading between the lines, reporting behind the scenes

Fate Cabag

an open field of rambling stories

Twenty Third Station

Culture. Music. Entertainment. Life beyond K-Drama...

Off the Wall

finding what my heart desires

Behind The Veil

It is both a blessing and a curse, to feel everything so deeply..

*Madaldal sa blog. Tahimik sa personal.*

M.I.C.H.A.E.L.A

Ready, set and get psyched!!

THE KREW | MNL

The official blog of the KCC Suporters

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Night Sky in Focus

Astrophotography, visual observation, and equipment modification

%d bloggers like this: